Tuesday, February 3, 2009

whatever tayo ha

nagbabasa ako ng mga artik sa isang website. ngconcentrate ako sa relationship category. halos lahat ng mga sinulat dun, puro tungkol sa masasakit na karanasan. dama ko yung mga sakit na naramdaman at sinulat nila. kumbaga may empathy ako. tuloy, napaisip ako. di ko din alam kung bakit sa lahat ng mga alaala sa utak ko eto pang tungkol sayo ang nangingibabaw.

"uy, si x bebenta na naman"
"tama na yan! laki na ng kumisyon mo"

patuloy ako sa pagbenta, shempre pera din yun. habang kausap ko ang kliyente, andaming bumabato ng papel. ng matapos ko ang tawag sabi ko sa mga kagrupo ko, 'ayan ngkakalat na naman kayo. kawawa naman ang tagalinis' sabay lingon sa likod ko. Nakita kitang tinatawag ang atensyon ko at tinuturo ang isang papel na binilog na naglanding malapit sa paanan ko. sinisenyasan mo akong buksan yun. nagtatakang pinulot ko ang papel at binuksan. may nakasulat pala. sabi lang 'congrats! bumenta ka na naman'. kumuha din ako ng papel at nagsulat 'salamat. tsamba lang yun' at binato ko sa direksyon mo.

nagtataka ako sayo kasi di naman talaga tayo naguusap. di nga kita napansin bago ang insidenteng yun. pero yun ang naging simula ng napakaraming papel na binilog na di ko mawari kung bakit ko din naman inipon at tinago sa locker ko.

alam ko na alam mo na meron akong kasintahan. kasintahan na di ko man nakikita, nahahawakan pero kasintahan pa rin. sa isipisip ko, siguro nais mo lang talaga akong maging kaibigan. bakit nga naman ako hihindi? kung yun lang naman ang gusto mo. sabi nga, you can never have too many friends. sa simula, okay talaga. mabait ka naman. minsan sweet pa nga e. naghabulan pa tayo sa floor na parang mga bata. pero unti unti, yung mga mensahe sa papel na pinapasapasa natin, nagkakaron na ng konting flirtations pero sobrang subtle lang. hangang sa sabay na tayo umuwi at pumasok, magyosi sa breaks, kumain ng lunch. inaantay mo ko parati lalo kung nagbebenta pa ako at lunch time na. minsan dama ko na ang galit ng mga kaibigan mo sakin kasi tingin nila inaagaw kita sa kanila. pero hindi naman. alam ko kaibigan mo sila, sabi mo pa nga parang pamilya. siguro isa sa rason kung bakit di ako gumawa ng paraan na mapalapit mashado sa kanila ay dahil alam kong di naman ako talaga magtatagal sa buhay mo, sa buhay nila.

lumipas ang ilang buwan, ganun ang routine natin. napalapit na ang loob ko sayo lalo. kinonsidera na kitang totoong kaibigan na may halong di mawari kung ano. tapos isang araw sabi ng boss natin, may awards night daw tayo. excited ang lahat sa excuse na di kailangan bumenta. at nang dumating ang gabing yun, nagpakasaya ang team natin. lasing nga ako eh pero narinig ko pa rin na sinabi mo sa mga kaibigan mo na mauuna kang umuwi dahil may curfew ang tinitirhan mo at kung masasarhan ka wala kang matutuluyan. ewan ko ba kung ano nakain ko din noon kasi nagoffer ako na sa apartment ko nalang ikaw matulog tutal wala din naman akong kasama. siguro mali ko nga din yun kung bakit pa kasi ako nagprisinta. eh, etong alam ko naman na may kasintahan akong nagtitiwala sakin. siguro dala na rin ng kalasingan o talagang gusto lang din kitang makasama. halo-halong emosyon. kinabahan ako nun na baka um-oo ka at mapasubo ako o humindi ka at malungkot ako. ewan.

pero yung gabing yun, yun ang simula ng panahon natin na hiram man, isa sa mga panahon na habambuhay nang masasali sa kumbaga fond memories ko. dun sa gabing yun ang una nating halik. halik na sabi mo, initiated ko pero sa alaala ko ikaw talaga ang nagpasimuno. or pwede ring i was just deluding myself para siguro makulangan ng kahit konti ang guilt na nararamdaman ko. yun ang naging simula ng masasaya nating araw na magkasama kaakibat ng napakaraming gusot.

napapangiti ako habang sinusulat ko to kasi pagkatapos ng gabing yun, nalaman ko na meron ka palang girlfriend. girlfriend na di ko maintindihan kung bakit mo tinago sa akin. e eto naman ako, open book. pero sa totoo lang, kung nalaman ko na meron palang umaasa sayo siguro di na kita binigyan ng pansin. di ako mashado lumapit kasi ayokong nakakasakit. kaso huli na gusto na kitang kasama. siguro din, what we had was bound to happen.

sa ilang buwan na mgkasama tayo, ramdam ko ang pagmamahal mo. sayo ko lamang naranasan ang gumising ng napakaaga kasi hinahalikan na tayo ng sikat ng araw. sunrise. sabi mo nga sunrise person ka. alam mo, minahal din kita, sa abot ng aking kaya. pero alam ko na mas minahal mo ako. masakit malaman yun. alam mo ba yun? sobrang gusto kong ibigay sayo ang deserved mo na love. gusto ko mapasaya ka na walang halong apprehension. alam ko parati ka nalulungkot dahil sa tingin mo wala kang magawa everytime tumawag ang kasintahan ko. dama ko ang sakit mo sa tuwing nasasaktan kita. pero gaya nga din ng alam ko matagal na, selfish ako. mas inisip ko na masaya akong kasama ka. nakombinsi ko ang sarili ko na naaamazed ka lang sakin dahil iisa pa lang ang naging girlfriend mo. na sa kalaunan, marerealized mo din na di mo pala ako mahal, natutuwa ka lang. para patuloy tayong maging masaya na kumbaga, no strings attached.

pero dumating din ang panahong alam nating darating at darating. ang panahon na kailangan na tayong magdesisyon sa direksyong dapat nating tahakin. gusto kitang piliin pero alam ko sa sarili ko na sasaktan lang din kita in the future. at ire-resent mo ako kapag nangyari yun. naisip ko na mas mabuting putulin na natin to habang mejo maaga pa. habang di pa ako mashado nakaentrenched sa yo. habang alam kong kaya ko pa lumayo. at habang kaya mo pa ang paglayo ko. so pinili kong lumayo. ang sakit makitang umiyak ka ng dahil sa akin. di mo ako dapat iyakan. you deserve someone so much better. at alam kong darating ang taong yun para sa yo. para i-heal ang lahat ng sugat na binigay ko.

yung naging 'whatever' natin siguro ibibilang ko na lang din yun na blessing in disguise para sayo para maibsan ang guilt na nararamdaman ko. kasi atleast nagising ka at narealize mo na yung kasintahan mo noon, di talaga kayo ang para sa isat-isa. na sa isang relasyon, hindi namamanifest ang love sa physical violence. di din naman ako nagsisisi sa mga nangyari sa atin, at kung man, siguro ang parte lamang na nasaktan kita ng lubusan.

ngunit ang di man lang sumagi sa isip ko ni minsan ay ang sundan mo ako. sabi mo hindi ka sumunod, nagkaron ka lang talaga ng oportunidad na di pwede palampasin. kaso may nagsabi sa kin na oo nga may oportunidad pero ang isang major reason kung bakit mo sinunggaban ang oportunidad na yun ay ako. umaasa kang makuha mo ako. nung una, aaminin ko, kinabahan ako. ayoko kasi ng gulo. pero kamuntik na naman ako bumigay siguro iba talaga ang kabig ng bawal. mabuti na lang at mas malakas na ako ngayon. mas pinalakas ako ng pagmamahal ko sa sarili ko, pagmamahal ko sa kasintahan ko at pagbibigay konsidera sa nararamdaman ng iba. naalala ko ang desisyong ginawa ko na a few months back. na magkaiba talaga ang landas natin. na gaya ng dati mong girlfriend di tayo ang para sa isa't isa. mahirap man gawin pero pinagtabuyan kita. sinabi ko na di kita ni minsan minahal, di kita kailangan, di ikaw ang para sa akin. ayokong gawin yun. kung selfish pa rin ako gaya ng dati baka pinagbigyan kita at magkikita ulit tayo lingid sa kaalaman ng syota ko pero hindi. ayoko na ulit maging rason para umiyak ka. alam kong malapit mo nang mahanap ang babaeng para sayo. kailangan mo lang antayin ng konti.


makalipas ang ilang taon, alam ko masaya ka na ngayon. ako naman masaya din. sana sa pagkikita nating muli, kung mangyayari mang magcross ulit ang landas natin, sana ang alaala ng ating pagsasama dati ay magbibigay na ng ngiti sa iyong mga labi at di na hapdi o di kaya ay bitterness.

2 comments:

Anonymous said...

uy! true to life ba yan?

crayola said...

hahaha...wacha think?